Itinanggi ni dating Pangulong Fidel Ramos na nagsisisi siya sa pagsuporta nito kay Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya
Ayon kay Ramos, nananatili ang kanyang suporta kay Pangulong Duterte ngunit mas matimbang pa sa dating Pangulo ang interes ng taumbayan.
Ito aniya ang dahilan kung bakit hayagan ang kanyang pagbatikos sa mga hakbang ng pamahalaan na sa tingin niya ay hindi angkop sa sitwasyon.
“I’ve send this to him, I’ve send this to Secretary Abella, I’ve send this to many, his cabinet members. I said, I support for him [President Rodrigo Duterte] continuous to be there but more important in my support for President Duterte is my support for the Philippine Team”, pahayag ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Malaking bilang ng delegasyon sa state visit ng Pangulong Duterte sa Russia binatikos
Binatikos ni dating Pangulong Fidel Ramos ang malaking bilang ng delegasyong binitbit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa state visit nito sa Russia.
Giit ng dating Pangulo, hindi dapat isinama lahat ng Pangulong Duterte ang halos lahat ng matataas na opisyal ng pamahalaan na dapat sana’y nagkokontrol sa sitwasyon habang nagkakagulo sa Marawi City.
Ayon kay Ramos, hindi pa naman ito ang unang pagkakataon na may banta ng karahasan sa bansa gaya ng nangyari noong bakbakan sa Butig, Lanao del Sur.
Matatandaang kasama sa biyahe ng Pangulo pa Russia sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Council Secretary Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff Eduardo Año at PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
“In the first place, some people should have stayed behind to take care of the situation. The President and the current Secretary and the so many Secretaries and the, some Generals joining the junket, pardon me for calling it a junket because it now turns out it was a junket. And were people should have been at their post because this is not the first time that there are been threats”, bahagi ng pahayag ni dating Pangulong Fidel Ramos.
By Ralph Obina