Binigyan ng parangal si dating Pangulong Fidel Ramos, isang yumaong security guard at dalawang pulis kasabay ng selebrasyon ng ika 32 taong anibersaryo ng EDSA People Power.
Si Ramos ay tumanggap ng People’s Power Heroes Award bilang pagkilala sa kanyang papel sa mapayapang rebolusyon noong 1986.
Sa nasabing pagdiriwang din, pinangunahan ni Ramos ang taunang salubungan o ang pag-sasadula sa pagsasanib ng mulitar at mga sibilyan noong EDSA People Power Revolution.
Binigyan naman ng Posthumous Spirit of Edsa Foundation and Good Citizenship Award ang guwardya ng NCCC Mall na si Melvin Gaa dahil sa kanyang kabayanihan sa pagliligtas sa daan-daang mga tao nang masunog ang nasabing mall nuong Disyembre.
Samantala, ginawaran naman ng EDSA People Power Commission Award si Captain Michael Asistores dahil sa naging kontribusyon nito sa pagbawi sa Marawi City mula sa mga terorista.
Gayundin si PO3 Christopher Lalan, miyembro ng PNP Special Action Force at isa sa nakaligtas mula sa Mamasapano Incident na ikinasawi ng 44 niyang kasamahan noong 2015.
Bukod rito, nagsagawa rin ng turn over ceremony para sa pangangalaga ng People Power Monument mula sa Spirit of EDSA Foundation patungo sa National Historical Commission of the Philippines.
Posted by: Robert Eugenio