Muli na namang ipaghaharap ng Ombudsman ng panibagong kasong plunder o pandarambong si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Ito’y kaugnay P57 milyong pisong nawawalang intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO mula noong 2004 hangang 2007.
Ayon kay Atty. Laurence Arroyo, abogado ng dating pangulo, bukod pa ito sa kaparehong kaso na isinampa laban kay Arroyo sa Sandiganbayan na nagkakahalaga naman ng P336 million pesos para sa mga taong 2008 hanggang 2010.
Dahil dito, sinabi ni Arroyo na isa na namang taktika ito upang patuloy na gipitiin ang dating punong ehekutibo ng bansa.
Kasunod nito, inihayag din ni Arroyo na sa susunod na linggo na maipalalabas ng Korte Suprema ang kanilang mga inihaing petisyon tulad ng paghahain ng piyansa, house arrest at demurrer of evidence.
By Jaymark Dagala