Dapat umamin at mag-sorry si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa isyu ng Dengvaxia
Ayon iyan kay Senator Richard Gordon kasunod ng pag-anunsyo nito na natapos na nila ang mga rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Dengvaxia..
Batay anya sa committee report, tila iniiwasan ni Aquino ang responsibilidad nito sa kontrobersya ng Dengvaxia, tulad umano ng pag-iwas nito noon sa isyu ng madugong Mamasapano Operation.
Lumalabas din anya na minadali ang pagbili ng bilyun bilyong Pisong halaga ng bakuna sa Dengue mula sa Sanofi Pastuer sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Sa ngayon, ayon kay Gordon, tinutukoy na ng komite ang pananagutan ng mga personalidad na sangkot sa isyu ng Dengvaxia.