Haharapin ng dating Pangulong Noynoy Aquino ang mga kasong isasampa laban sa kaniya.
Tiniyak ito ni Atty Abigail Valte, spokesperson ni Aquino matapos irekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang paghahain ng kasong kriminal laban dito at dalawa pang dating miyembro ng gabinete niya dahil sa Dengvaxia.
Sinabi ni Valte na walang tatakbuhan ang dating Pangulo at lagi naman itong handang sagutin ang anumang tanong sa mga naging desisyon niya bilang Pangulo ng bansa.
Nakita naman aniyang interesado ang dating Pangulo na makiisa sa mga imbestigasyon na ipinakita nito sa kaniyang pagdalo sa pagdinig ng Kamara at Senado sa usapin ng Dengvaxia.