Inilagay na sa lookout bulletin order ng Bureau of Immigration sina Dating Pangulong Noynoy Aquino, ilan sa kanyang dating myembro ng gabinete at mga opisyal ng Sanofi-Pasteur.
Inilabas ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang immigration lookout bulletin order makaraang maghain ng kaso ang grupong GABRIELA at mga magulang ng mga batang tinurukan ng dengvaxia vaccine sa office of the ombudsman.
Kabilang din sa mga inilagay sa lookout order sina dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Executive Secretary Paquito Ochoa, dating Health Secretary Janette garin, Guillaume Leroy, Olivier Brandicourt, Ruby Dizon, Thomas Triomphe at Carlito Realuyo na pawang opisyal ng French Pharmaceutical Company na Sanofi-Pasteur na manufacturer ng Dengvaxia.
Ipinunto ni Aguirre na dahil sa mabigat na kaso ay malaki ang posibilidad na lumabas ng bansa ang nabanggit na personalidad.