Nais arestuhin at papanagutin ng NDF o National Democratic Front sa Southern Mindanao si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at iba pang opisyal ng nakalipas na administrasyon.
Kaugnay ito sa marahas na dispersal sa mga magsasaka na nagkilos-protesta sa Kidapawan City noong Abril 2 ng nakalipas na taon.
Ayon sa rebolusyonaryong grupo, dapat makasuhan sina Aquino at mga alipores nito ng kasong crimes against humanity at iba pang kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
Maliban kay Aquino, ipinaaaresto rin ng rebolusyonaryong grupo sina North Cotabato Gov. Emmilou Taliño – Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Rep. Nancy Catamco.
Gayundin ang iba pang opisyal ng Government Peace Panel noong administrasyong Aquino, mga opisyal ng militar gayundin ng pulisya.
It’s up to the court
Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hukuman ang posibleng maging kapalaran ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ito’y makaraang ipanawagan ng NDF o National Democratic Front sa Southern Mindanao ang pagpapanagot kay Aquino gayundin sa iba pang mga opisyal nito hinggil sa madugong dispersal sa Kidapawan noong isang taon.
Pagbibiro pa ng Pangulo, handa rin siya magpakulong kasama si Ginoong Aquino ngunit hiling niya na magbukod sila ng selda.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala