Tuloy ang pagdalo ng dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagdinig ng Senado sa isyu ng dengvaxia ngayong araw na ito.
Ayon sa dating Pangulo umaasa siyang ang pagpunta niya sa Senate hearing ay magiging daan sa pagbuo ng mga kinakailangang hakbangin para tugunan ang usapin.
Nabatid na ang dating Executive Secretary na si Paquito Ochoa, Jr. ay darating din sa pagdinig mamayang alas 10:00 ng umaga.
Tiniyak naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon ang maayos na pag trato sa dating Pangulo.
Ang vaccination program partikular nang pagturok ng Dengvaxia ay sinimulan nuong April 2016 o isang buwan bago ang may presidential elections.
Una nang inihayag ng Department of Health o DOH na mahigit 800,000 estudyante sa public school ang nabakunahan ng Dengvaxia sa Central Luzon, CALABARZON, Metro Manila at Cebu.
Duterte walang planong magpakulong ng dating pangulo ng bansa
By Arianne Palma
Samantala, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang makukulong na dating presidente sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sa kanyang talumpati sa isang benefit dinner para sa Marawi City, sinabi ng Pangulo na hindi niya istilo ang maghain ng mga kaso laban sa isang dating presidente ng bansa.
Salaysay ng Pangulong Duterte, noong siya pa ay alkalde ng Davao City ay hindi niya sinampahan ng kaso si Davao City Representative Prospero Nograles na makailang ulit siyang kinasuhan.
—-