Sumunod sa proseso at binusisi ang kuwalipikasyon ng mga nasa shortlist ng Judicial and Bar Council o JBC.
Ito ayon sa dating Pangulong Noynoy Aquino ang pinagbasehan niya sa pagpili kay Supreme Court Chief Justice.
Reaksyon ito ng dating Pangulo sa isinampang kasong graft laban sa kaniya, kay Sereno at JBC Officers ng isang Atty. Eligio Mallari.
Una nang inihayag ni Mallari na nakipag sabwatan si Sereno sa JBC officials at sa dating Pangulo para maitalaga siyang Punong Mahistrado noong 2012.
Sinabi ng dating Pangulo na namili lamang siya sa ibinigay na listahan ng JBC na aniya’y dapat magpaliwanag kung bakit kasama sa listahan nito si Sereno kung hindi naman ito sumunod sa mga requirement para mapiling Chief Justice.
Posted by: Robert Eugenio