Mariing itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing reward system sa kontrobersyal na kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.
Ayon kay dating Pangulong Duterte, pagkain lamang at pagbati ang kanyang ipinaaabot sa tuwing matagumpay ang operasyon ng pulisya.
Hindi rin aniya ipinag-utos ang pagpatay sa sinuman, gayunman ay hinahayaan niyang manlaban ang mga drug suspect sa mga otoridad upang may dahilan ang mga ito para pumatay.
Una nang ibinunyag ni dating Police Colonel at PCSO General Manager Royina Garma na aabot sa P20,000-P1-M ang pabuya sa mga pulis sa bawat drug suspect na kanilang mapapatay.
Sa datos ng pulisya, anim na libo katao ang napatay sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte, ngunit iginiit ng human rights group na aabot sa tatlumpung libo ang biktima ng madugong polisiya. - sa panulat ni Laica Cuevas