Muling nagpakita ng suporta sa administrasyong Marcos si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Duterte, mahalagang maiparamdam ng bawat isa ang suporta sa kasalukuyang administrasyon na mag-uudyok para mapanatili ang kaayusan sa bansa.
Naniniwala ang dating pangulo, na kung maibibigay ng taumbayan ang suporta sa pamahalaan, mas pagsisikapan pa ng mga opisyal at ahensya ng gobyerno na manindigan laban sa iba’t-ibang uri ng krimen at kaguluhan.
Iginiit din ni Duterte na malaki ang kaniyang tiwala sa kakayahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na masosolusyonan nito ang mga hamon sa Pilipinas partikular na ang kaso ng COVID-19, mataas na presyo ng langis, maging ang pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.