Dinampot ng mga awtoridad ang isang 92 taong gulang na dating pari dahil sa pangmomolestiya ng isang menor de edad na naganap limang dekada na ang nakalilipas sa isang residential school sa Manitoba, Canada.
Ayon sa Manitoba Royal Canadian Mounted Police o RCMP, inaresto nila si retired Father Arthur Masse bunsod ng kinakaharap nitong indecent assault charges.
Batay sa rekord, naganap umano ang sex assault sa pagitan ng 1968 at 1970 sa Fort Alexander Residential School kung saan isang sampung taong gulang na batang babae ang biktima.
Tinatayang 150,000 children ang sapilitang pinag-aral ng Canada sa mga residential schools noong 1800s at 1990s.
Sa loob ng mga panahong iyon, bukod sa inilayo sa kanilang mga magulang ay nakaranas din umano ang mga bata ng psychological, physical at sexual abuses.