Pinatawan ng Sandiganbayan First Division si dating Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad ng 6 hanggang 10 taong pagkakakulong.
Kaugnay sa paglabag ni Trinidad sa Anti Graft and Corrupt Practices Act at Violation 237 ng Revised Penal Code dahil sa maanumalyang transaksyon na pinasok ni Trinidad sa pagpapatayo ng Pasay City Mall at Market noong alkalde pa ito ng lungsod.
Maliban sa kulong, hindi na rin maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno si Trinidad.
Kasama nitong napatawan ng conviction si dating Pasay City Councilor Jose Antonio Roxas.
By Ralph Obina | Jill Resontoc (Patrol 7)