Inaresto ng mga awtoridad si dating Presidential Commission on Good Government o PCGG Chairman Camilo Sabio dahil sa kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan.
Ang arrest order na inihain ng NBI Anti-Graft Division ay kaugnay sa paglabag ni Sabio sa anti-graft and corrupt practices act at malversation of public funds.
Si Sabio, 82-taong gulang ay idiniretso sa NBI Headquarters sa Maynila para sumalang saa booking procedure at nakakulong sa NBI jail facility.
Magugunitang noong Hunyo ay ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Sabio matapos mapatunayang guilty sa anomalya sa vehicle lease deals ng PCGG noong 2007 at 2009 na nagkakahalaga ng 12 million pesos.
Na-sentensyahan siyang makulong ng 12 hanggang 20 taon bukod pa sa habambuhay na disqualification sa public office.
Hulyo naman nang i-apela ni Sabio ang kaniyang conviction.
SMW: RPE