Inamin ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma, na nagpasok siya ng mga kamag-anak niya sa PCSO, kabilang na ang anak nito bilang isang “confidential agent.”
Ito’y kasunod ng pagkwestyon ni House Committee on Public Order and Safety Representative Dan Fernandez sa ginawang hakbang ni Garma at sinabing maliban sa may sakit ang anak nito ay hindi nito naabot ang qualifications para sa nasabing posisyon kabilang na ang karanasan sa law enforcement.
Kaugnay nito, nilinaw ni Congressman Fernandez na kinakailangang mayroong Bachelor’s Degree sa Criminal Justice at may karanasan sa law enforcement upang maitalagang confidential agent.
Mariing itinanggi naman ni Garma ang mga sinabi ng kongresista na may sakit na ang anak niya ng pumasok ito sa PCSO at sinabing dyslexia pa lamang ang diagnose rito. – sa panulat ni Alyssa Quevedo