Pinayagan nang makalaya ng Korte Suprema si dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Supreme Court Spokesman, Theodore Te, ibinasura na ng Korte Suprema ang plunder case laban kay Ginang Arroyo matapos nitong paboran ang Motion for Demurrer to Evidence ng dating Pangulo sa botong 11-4.
Ang demurrer to evidence ay kahalintulad na rin ng pagbasura sa kasong plunder na kinakaharap ni Ginang Arroyo sa Sandiganbayan dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Ang kaso ay may kinalaman sa maanomalyang paggamit ng confidential intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na nagkakahalaga ng 365 million pesos noong si Ginang Arroyo pa ang nanunungkulan bilang Pangulo.
Anim na taon ring nanatili sa hospital arrest sa Veterans Hospital si Ginang Arroyo.
By Len Aguirre | Bert Mozo (Patrol 3)