Aminado si dating Philippine Navy Chief Vice Admiral Ronald Mercado na nagkikita sila ni Special Assistant to the President Bong Go.
Gayunman , agad na nilinaw ni Mercado na kailanman ay hindi nila napag – usapan ni Go ang ‘Frigate Project’ ng Philippine Navy.
Giit ni Mercado , nakahanda siyang dumalo sa pagdinig ng Senado para maipaliwanag ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay sa nasabing programa.
Una nang sinabi ni Go na nakahanda rin siyang humarap sa imbestigasyon ng Senado ukol sa pagbili ng mga barko ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng 15.7 Billion Pesos.
Matatandaang idinawit si Go at inakusahan ng pangingialam sa ‘procurement’ umano ng computer system ng Philippine Navy.