Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dismissal order laban kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro matapos ang nag-trending na video na kita ang pang-mamaltrato nito sa kanyang kasambahay na isang Overseas Filipino Worker (OFW).
Ito mismo ang inanunsyo ng Pangulo sa kanyang talk to the nation, kagabi.
Kasabay ng naturang dismissal order, binawi na rin ng estado ang mga benepisyong dapat sana’y makukuha nito oras na magretiro.
Hindi na rin pinapayagan si Mauro na humawak pa ng anumang posisyon.