Patay sa pananambang ang dating piskal ng Ozamiz City at nagsisilbing abogado ng pamilya Parojinog na si Atty. Geronimo Marabe Jr.
Ayon kay Police Regional Office 10 Spokesperson Superintendent Lemuel Gonda, patungo sana sa isang hearing si Marabe nang pagbabarilin ito ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki sa bahagi ng Barangay 50th District, Ozamiz City.
Bagama’t nadala pa sa ospital si Marabe subalit hindi na ito umabot pa ng buhay at idineklara nang dead on arrival.
Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang iba pang mga detalye hinggil sa naturang insidente gayundin ang motibo sa pagpaslang.
—-