Tuluyan nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating Comptroller ng Philippine Military Academy o PMA na si Major Hector Maraña.
Magugunitang isinailalim sa court-martial si Maraña dahil sa 15 million peso malversation case.
Sa kanyang talumpati sa launching ng “Pilipinas Angat Lahat” program sa Malacañang, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang dismissal order ng military official.
“This just came in. You won’t believe it. It’s the military.”
“This is good, Can I have a pen? I will have it signed in your presence.”
“Send the guy to hell, that’s an order.” Ani Pangulong Duterte
Inaprubahan din ng Punong Ehekutibo ang rekomendasyon ng military court hatulan si Maraña ng anim (6) hanggang labindalawang (12) taong pagkaka-bilanggo.
—-