Nakatakdang ipatawag ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa pagdinig nito si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ito’y kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng mababang kapulungan hinggil kontrobersyal na anti- dengue vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, panahon na upang sagutin ni Ginoong Aquino ang mga katanungan ng publiko kung bakit humantong sa kontrobersiya ang naturang usapin.
Maliban sa dating Pangulo, ipatatawag din ng Kamara si dating Budget Secretary Florencio Butch Abad na siyang nag-utos na magpalabas ng pondo para bilhin ang naturang mga bakuna na nagkakahalaga ng 3.5 bilyong Piso.
Posted by: Robert Eugenio