Kinasuhan na ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption sina dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III, dating Budget Secretary Butch Abad at dating Health Secretary Janet Garin.
Technical malversation, criminal negligence at reckless imprudence ang isinampa laban sa tatlo kaugnay ng maanomalyang pagbili ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia gayundin ang pagpapatupad ng Dengue Immunization Program.
Dawit din sa naturang kaso sina Asst/Sec. Lyndon Lee Suy, Philippine Children’s Hospital Director Dr. Julius Lecciones at 17 pang kasalukuyang opisyal ng DOH gayundin ang mga opisyal at kawani ng mga kumpaniyang Zuellig at Sanofi Pasteur.
Giit ng mga petitioner, iligal ang pagpopondo ng nagdaang administrasyon sa naturang programa sa pamamagitan ng paggamit ng impluwensya o panggigipit sa mga miyembro ng bids and awards committee para paburan ang dalawang kumpaniya.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio