Sinampahan na ng Volunteers Against Crime ang Corruption (VACC) si dating Pangulong Noynoy Aquino ng reklamong paglabag sa Omnibus Election Code sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng kontrobersyal na dengvaxia vaccine.
Kasama din sa mga kinasuhan sina dating Budget Secretary Butch Abad, dating Health Secretary Janette Garin at labing anim (16) na iba pang opisyal ng Department of Health o DOH.
Nakasaad sa affidavit ng VACC at ni Dr. Francis Cruz na inilabas ng nakaraang administrasyon ang 3.5 bilyong pisong pondo ng bayan para ipambili ng bakuna bago ang May 2016 National Elections.
Batay sa inihaing reklamo, ginamit ni Aquino at ng ilang DOH officials na kasama sa pagpapasinaya ng dengue immunization program ang malaking pondo para sa kampanya noong nakaraang eleksyon.
Hiniling naman ng mga complainant na suriin ang kanilang reklamo at magsampa ng kaukulang kaso sa Korte laban sa mga respondent.