Itinanggi ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang alegasyon na ang Liberal Party o LP ang nasa likod ng planong destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon at pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
Ayon kay Aquino, hindi sa kanila nagsisimula ang sinasabing destabilization plot, sa halip ay dapat magmasid ang administrasyon sa paligid nito.
Kung tagumpay naman aniya ang gobyerno sa bawat hakbang nito at natutupad ng Pangulo ang mga pangako nito sa taumbayan ay walang magpa – plano ng masama.
Sabihin na nating doon sa mga ipinangako, ‘di maintindihan ang sinasabi, eh… na nagki – create ng dissatisfaction. ‘Di sa’kin nagmumula ‘yun, baka dapat tumingin sila sa mga paligid.
Kamakailan nagkaroon ng pag – uusap ang mga miyembro namin, pati na ang mga kaalyadong grupo. Tapos, tinanong ko na, “Bakit ang tindi ng galit sa atin ng mga ‘to?”
Sa totoo lang, ang mga iniwan namin sa kanila ay ‘di hamak na napakalaking ganda kesa sa iniwan sa’min.
Parang lahat nang ginawa namin na pagmamabuti dito, parang mali kami. Parang masama ang ginawa namin.
Sa halip aniya na pagbintangan silang mga taga – Liberal ay dapat magtulungan na lamang ang bawat isa upang mapa – unlad at mapatatag ang bansa.
Maalala niyo, ang dami kong tagumpay noong araw na, siya na mismo ang nagsabi diba? na iisa ang bangka natin, kailangan tayong matulong – tulongan para tayong mapabilis.
Kaya paalala ko po sa lahat, na kami’y matagal nang nag – alok ng kung anon gaming maitutulong namin, handa kaming tumulong, politiko, iisa lang ang bansa natin.