Ipaghaharap ng kasong graft o katiwalian ng isang partylist group si dating Philippine National Police Chief Alan Purisima.
Kasunod ito ng umano’y P1 Billion naibulsa umano ni Purisima mula sa pondong nakalaan dapat para sa Sports Development ng bansa.
Ayon kay Jericho Nograles, Tagapagsalita ng Puwersa ng Bayaning Atleta o PBA, kasong graft ang kanilang isasampa laban sa dating PNP Chief.
Giit pa ni Nograles, nakapagtataka aniya ang papel ni Purisima gayung wala naman itong kinalaman sa larangan ng palakasan.
Maliban dito, nais ding matukoy ng grupo kung sinu-sino ang mga kasabwat ni Purisima para mailihis ang Pondo ng Philippine Sports Commission mula sa kita ng first Cagayan resort and Leisure Corporation at ng isang Alfredo Benitez na operator umano nito.
By: Jaymark Dagala