Kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating PNP Chief Alan Purisima kaugnay ng hindi paglalagay ng kaniyang mga ari-arian sa isinumite niyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Maliban dito, sinabi ng Ombudsman na nahaharap din si Purisima sa walong panibagong kaso ng perjury dahil sa napatunayang kulang o sadyang mali ang inihaing SALN ng dating opisyal para sa mga taong 2006 hanggang 2009 gayundin mula 2011 hanggang 2014.
Ayon sa Ombudsman, bigo o sinadyang hindi ideklara ni Pusirima ang ilang lupaing pagmamay-ari naman ng kaniyang maybahay na si Ginang Ramona Lydia at ang mga baril ng dating heneral tulad ng Sti Caliber 40 pistol at isang CZSP-01 Shadom 9 Millimeter.
Una nang kinasuhan ng katiwalian ng Ombudsman si Purisima dahil sa maanoamlayng transaksyon sa koreyo o courier deal para sa mga lisensya ng baril nuong siya pa ang nanunungkulang PNP Chief.
Maliban pa iyan sa kasong isinampa laban kay Purisima kaugnay naman ng malagim na Mamasapano Massacre nuong 2015 dahil sa pakiki-alam nito sa Oplan Exodus kahit pa siya’y suspendido nuon ng Ombudsman.
RPE