Umaasa si dating PNP Chief Director General Oscar Albayalde na masusunod ng bagong hepe ng Philippine National Police ang vision ng kagawaran kabilang na ang pagdidisiplina sa kanilang mga tauhan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng opisyal na dapat matutukan ni pnp Chief Benjamin Acorda Jr., ang pangkalahatang interes sa departamento at hindi ang pang sariling interes lalo na’t nasasangkot ngayon sa katiwalian ang kanilang hanay.
Binigyang diin ng dating opisyal na dapat taglayin ng bagong pnp chief ang “strong leadership” Sa hanay ng kagawaran upang maibalik ang tiwala ng taumbayan at malinis ang imahe ng PNP.
Bukod pa dito, naniniwala din si Gen. Albayalde na hindi na dapat bigyan pa ng “second chance” Ang mga pulis na masasangkot sa iligal na droga.