Pansamantalang nakalaya si dating PNP Chief Director General Avelino Razon.
Ito ay matapos siyang payagan ng Sandiganbayan 4th Division na makapagpiyansa sa kaso nitong malversation at graft kaugnay ng umano’y ghost repairs ng mga police mobile na nagkakahalaga ng mahigit P385 milyong piso.
Si Razon ang unang PNP official na naharap sa kasong graft matapos i-award ang proyekto sa isang pribadong kontratista para sa maintenance ng 28 V-150 light armored vehicles.
Una rito, nakapagpiyansa na rin sa Sandiganbayan ang kapwa akusado ni Razon na si dating Police Director Geary Barias.
By Ralph Obina | Jill Resontoc (Patrol 7)
Photo Credit: politics.com.ph