Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang undersecretary ng Office of the President si dating Philippine National Police (PNP) Chief Camilo Pancratius Cascolan.
Bago nito, inatasan ng pangulo si Cascolan na mamuno sa Pambansang Pulisya noong ika-20 ng Setyembre, 2020 at nagretiro makalipas ang isang buwan o Nobyembre ng taong 2020.
Mababatid naman na si Cascolan ang ika-apat na PNP chief na miyembro ng PMA Class of 1986 sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.