Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating PNP Chief Debold Sinas bilang Undersecretary ng Office of the President.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea pero hindi na tinukoy kung kailan nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ng dating heneral.
Magugunitang naging kontrobersyal ang pangalan ni Sinas nang magdaos ito ng Mañanita para sa kanyang birthday celebration noong nakaraang taon gayong ipinagbabawal ito sang-ayon sa mass gatherings kontra COVID-19.