Hiniling ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima sa Sandiganbayan na payagan siyang manatili sa Amerika ng mahigit tatlong linggo para bisitahin ang kanyang anak na lalaki.
Sinabi ni Purisima sa kanyang motion na makapagbiyahe pa-Amerika mula September 5 hanggang 27 para mabisita ang anak na nag-aaral sa Culinary Institute of America sa California.
Ayon kay Purisima, nakapag-book na sila ng ticket ng kanyang pamilya noon pang Marso o bago maisampa ang graft case laban sa kanya noong Mayo.
Tiniyak ni Purisima ang kahandaang maglagak ng travel bond para makuha ang go signal ng Sandiganbayan na makapagbiyahe siya at masiguro ang pagbalik niya sa bansa.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)
Photo Credit: Mark Cristino