Sinamapahan ng kasong kriminal ng grupong Karapatan si Retired Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.
Ito ayon kay Karapatan Deputy Secretary General Romeo Clamor ay dahil sa paglabag umano ni Dela Rosa sa karapatang pantao.
Kaugnay naman aniya ito sa mga nasawi sa kampanya ng kontra iligal na droga partikular sa mga operasyon ng PNP at mga hinihinalang biktima ng EJK o Extra Judicial Killings sa ilalim ng pamumuno ni Dela Rosa.
Dagdag ni Clamor, bukod kay Dela Rosa, kanila ring sinampahan ng kaso ang nasa 200 iba pa na karamihan ay miyembro ng PNP at Armed Forces of the Philippines.