Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan na namatay na si Major General Jovic Ramos matapos ang ilang buwang pagkaka comatose sa ospital.
Si Major General Ramos ay naging kritikal matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang helikopter sa Laguna kasama si dating PNP Chief General Archie Gamboa at iba pang opisyal ng pnp na nakaligtas sa aksidente.
Sa text message mula mismo kay pnp chief cascolan kinumpirma nitong alas-12:07 ng madaling araw kanina nang bawian ng buhay si Major General Ramos.
Matatandaang umaga ng March 5, 2020 nang bumagsak ang sinasakyang helikopter ng mga PNP officials sa San Pedro, Laguna.
Sa pagbagsak ay lumiyab pa ito dahilan para maging kritikal sina Major General Jovic Ramos, at dating PNP intelligence Director Major General Mariel Magaway na ngayon nasa stable condition habang minor injuries ang tinamo ng ibang opisyal kasama na si dating PNP Chief Gamboa. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)