Sumuko sa Philippine National Police (PNP) si dating Coronel Cesar Mancao.
Ipinabatid ni Senior Supt. Belli Tamayo, pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-National Capital Region (NCR) na sumuko sa kanila noong Lunes si Mancao na mananatili muna ang custody nito sa CIDG-NCR habang wala pang commitment order.
Si Mancao ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay kay PR Man Salvador ‘Bubby’ Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong November 2000.
Una nang tumakas si Mancao sa NBI noong may 2013 matapos ireklamo nalinis na sa nasabing kaso ang mga pangunahing akusado gayung siya na lamang ang nananatiling nakakulong.
Magugunitang naakusahan din sa naturang kaso sina dating PNP Chief ngayo’y Senador Panfilo Lacson, PNP-AKG Chief Senior Supt. Glen Dumlao at Senior Supt. Michael Ray Aquino.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)