Sinibak na ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si dating Presidential Executive Secretary, Atty. Vic Rodriguez bilang miyembro ng nasabing partido.
Kinumpirma ng PFP na nagpasyahan nila ang naturang hakbang nitong Nobyembre a – 11.
Ito’y dahil umano sa “incompetence” bilang public servant, pagsuway sa partido, pag-abuso sa tiwalang ini-atang sa kanya ng Pangulo at ng PFP pag-abandona at kawalan ng katapatan.
Nilinaw naman ng PFP na hindi nakibahagi si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpapasya na palayasin si Rodriguez pero inabisuhan sa desisyon bagay na kanyang hindi tinutulan.
Samantala, itinalaga bilang bagong Executive Vice President ng Partido si Special Assistant to the President Anton Lagdameo.