Pormal nang tinanggap ni dating Pangulong Fidel Ramos ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsilbi bilang Special Envoy ng Pilipinas sa china
Ito’y para pangunahan ang ikinakasang Diplomatic talks sa pagitan ng dalawang bansa hinggil sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine SEA
Kagabi, 2 oras nagpulong sina Pangulong Duterte at Ramos sa Marco Polo Hotel sa Davao City kung saan, sinabi ng dating Pangulo na may Go signal na siya mula sa kaniyang mga duktor
Magugunitang inihayag nuon ni Ramos na kaniyang ikinukunsidera ang lagay ng kaniyang kalusugan at edad maging ang kaniyang pamilya dahilan para mag-alinlangan kung tatanggapin o hindi ang naturang alok
By: Jaymark Dagala