Naniniwala si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo na hindi dapat tratuhin ang China na karibal o kaaway bagkus ay isang investor at donor ng Pilipinas.
Ayon kay Ginang Arroyo, noong dekada 80 kung saan nagsisimula pa lamang bumangon ang China, maraming Filipino ang hindi nagtitiwala sa Tsina dahil sa pag-aakalang maaari itong maging kaaway.
Gayunman, makalipas anya ang halos apat na dekada ay iba na ang tingin ng mundo sa Tsina kaya’t dapat na ring magbago ang pananaw ng mga Filipino.
Dahil dito, pinapurihan ni Arroyo ang Independent Foreign Policy ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular ang relasyon ng Pilipinas sa China na halos katulad ng isinulong niyang polisiya noong siya pa ang Pangulo.
Samantala, nilinaw naman ng kongresista na dapat panatilihin ng Pilipinas ang maayos na ugnayan nito sa Estados Unidos.