Pinasalamatan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang Philippine Team na nagtungo pa sa the Hague, Netherlands upang idepensa ang posisyon ng Pilipinas, pati na rin ang mga abugado at experts na umasiste sa kanila sa pangunguna ni Paul Reichler ng Washington-based law firm na Foley Hoag.
Ipinaabot din ni dating Pangulong Aquino ang pasasalamat sa Permanent Court of Arbitration dahil sa patas na desisyon at malinaw na paliwanag nila sa kanilang ruling.
Hinimok ng dating Presidente ang mga Pilipino na basahin ang summary ng desisyon upang lubos na maunawaan ang ipinaglaban ng bansa.
Ngayong malinaw na, aniya, ang mga panuntunan, sinabi ng dating Pangulong Aquino na maari nang sumulong bilang pandaigdigang komunidad dahil malapit nang magkaroon ng permanenteng solusyon ang matagal ng problema sa West Philippine Sea.
By: Avee Devierte