Humihingi ng permiso ang dating Pangulong Noynoy Aquino para mabisita si Senador Leila de Lima.
Ipinabatid ito mismo ng dating Pangulo matapos ang isinagawang caucus ng Liberal Party kung saan siya tumatayong chairman emeritus.
Sinabi ng dating Pangulo na nagpadala na siya ng sulat at naghihintay pa siya ng tugon kung bibigyan ng go signal para mabisita si De Lima.
Nais aniya niyang kumustahin si De Lima matapos itong maaresto nuong Huwebes at dalhan ng tsokolate ang Senadora.
By: Judith Larino