Patay ang dating presidente ng University of Eastern Philippines matapos pagsasaksakin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Catarman, Northern Samar.
Nadiskubre ang katawan ng biktimang si Rolando Delorino, 64 anyos ng kanyang anak na babae sa kusina sa ground floor ng kanilang bahay sa Barangay Dalakit, mag-aala-6, kahapon ng umaga.
Agad namang nasakote ang suspek na si Alvin Plandez, 22 anyos na umamin sa krimen pero iginiit na pinilit umano siya ng isang commander ng New People’s Army na patayin ang biktima.
Ayon kay Northern Samar Provincial Police Director,Col. Arnel Apud, nagbanta umano ang NPA Commander na papatayin ang pamilya ni plandez kung hindi papaslangin si delorino.
Batay sa CCTV footage, nakita si Plandez sa labas ng bahay ng biktima, dakong ala-5 ng madaling araw at tinakpan ang mga camera bago pumasok sa tahanan ng mga delorino. —sa panulat ni Drew Nacino