Inihatid na sa kanyang huling hantungan si dating Pangulong Benigno Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Ang bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino ang naglagak ng abo sa loob ng nitso bandang 1:43 ng hapon.
inilibing ang urn ni Aquino sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Benigno Ninoy Aquino Jr.
Ginawaran din ng arrival at military honors ang dating Punong Ehekutibo pagdating sa Manila Memorial Park.
pumanaw si Aquino noong Hunyo 24 sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes..—sa panulat ni Hyacinth Ludivico