Inirekomenda na ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng mga kaso upang masuportahan ang deportation sa isa umanong undesirable alien na si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.
Ito ang isa sa mga nilalaman ng preliminary report ng kumite matapos ang ilang buwang hearing kaugnay sa maanomalya umanong pagbili ng gobyerno ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Kasama rin si yang sa inirekomendang kasuhan ng paglabag sa RA 3019 o anti-graft and corrupt practices act, perjury o false testimony at disobedience.
Nakitaan din ng paglabag sa naturang batas sina dating DBM-procurement Service Chief, Undersecretary Christopher Lao, dating DBM-PS Director Warren Liong at ilang Pharmally Pharmaceutical Directors. — sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat mula kay Cely Ortega-Bueno