Naglabas na ng appointment paper ang Malakanyang para kay dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Nakasaad sa appointment paper ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Abella bilang Undersecretary ng Department of Foreign Affairs o DFA.
Naluklok sa DFA si Abella, limang araw matapos manumpa bilang bagong Presidential Spokesperson si Atty. Harry Roque, noong Oktubre 27.
Samantala, maliban naman sa pagiging tagapagsalita ng Palasyo, itinalaga din ng Pangulo si Secretary Roque bilang Presidential Adviser on Human Rights.