Hawak na ng mga tauhan ng Philippine National Police Intelligence Group ang dating Pulis na pinuno ng Gun for Hire Group sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon iyan kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar matapos sumuko kagabi si dating Police Lt/Col. Wilson Magpali na pinuno ng kilabot na Magpali Gun for Hire Group.
Si Magpali ang siyang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang huling State of the Nation Address o SONA kahapon .
Sinabi ni Eleazar, nakaramdam umano ng matinding pressure si Magpali kaya’t agad siyang nagpasama sa kaniyang abogado patungong Kampo Crame.
Nagsumite si Magpali ng affidavit upang linisin umano ang kaniyang pangalan at iginiit na hindi siya miyembro o pinuno ng anumang gun for hire group.
Magugunitang nasibak si Magpali matapos masangkot sa pagpatay sa isang Fredi Ramirez nuong 2019 habang .
Nasangkot din si Magpali sa tangkang pagpatay sa pamilya ni La Union Rep. Sandra Eriguel bagay na mariin namang itinanggi ni Magpali.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)