Arestado ang isang dating pulis na sangkot sa pagdukot sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kinilala ni Philippine National Police anti-kidnapping group (PNP–AKG) ang naaresto na si P/Ssgt. Allan Formilleza na dating naka-assign sa Quezon City Police District (QCPD) station 6.
Inaresto ng pnp akg si formilleza sa bisa ng isang warrant of arrest sa kaniyang bahay sa loob ng isang subdivision sa Brgy. Caypombo, Sta. Maria sa Bulacan para sa mga kasong murder, estafa at theft.
Ayon kay PNP–AKG Spokesman P/Maj. Rannie Lumactod, miyembro si Formilleza ng gapos gang na siyang nambibiktima sa mga opisyal ng BIR sa Metro Manila.
Nuong isang taon pa aniya wala sa serbisyo si Formilleza dahil sa pagiging absent without official leave o awol nito.