Dobleng habambuhay na pagkabilanggo ang hatol ng korte kay dating Police Master Sergeant Jonel Nuezca na pumatay sa mag inang Sonia at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac nuong nakalipas na taon.
Batay sa desisyon ni Judge Stela Maria Asuncion, napatunayang guilty beyond reasonable doubt si Nuezca para sa kasong two counts ng murder.
Pinagbabayad din ng korte ng halos isang milyong piso si Nuezca bilang danyos sa mga naulila ng mga biktima.
Magugunitang nagkasagutan ang mag ina at si Nuezca na dahilan nang pamamaril ng dating pulis sa mag ina.