Binigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga dating rebelde at drug surrenders sa Agusan del Norte sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ayon kay Department of Agriculture Caraga (DA-13) Executive Director Abel James Monteagudo, ito ay bahagi ng People Empowerment in Agriculture for Community Enhancement o Project PEACE sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, Technical Education Skills Development Authority (TESDA), Agricultural Training Institute (ATI), Philippine Army, at Philippine National Police (PNP).
Sa ilalim ng programa, tinuturuan ang mga benepisyaryo na maging produktibo sa pagsasaka gamit ang makabagong teknolohiya.
Layon din nitong matiyak ang food security sa lalawigan pamamagitan ng food production ngayong panahon ng pandemya.