Nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ang anim na mga dating rebelde sa Iligan City.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government o DILG, bawat isa sa mga ito ay nakakuha ng tig-65,000 pesos o 390,000 pesos sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-Clip.
Hinimok naman ng DILG ang mga dating rebelde na maging wais sa paggamit o paggastos ng perang nakuha nila mula sa gobyerno.
Maliban sa tulong pangkabuhayan, makakatanggap din ng health assistance ang mga ito.