Inakusahan ni dating Manila City 6th District Representative Greco Belgica si Senador Antonio Trillanes IV na gumamit sa kanyang Disbursement Acceleration Program o DAP fund upang pondohan ang isang lamp post project na hindi naman ipinatupad.
Gayunman, hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Belgica at tinukoy ang lugar na sinasabing nakinabang sa proyekto.
Ayon kay Belgica, Convenor ng Watchdog Coalition for Investigation and Prosecution, nagsumite na siya ng mga dokumento sa Department of Justice o DOJ hinggil sa umano’y ghost project ng senador.
Bagaman aabot sa mahigit 104 na bilyong piso ang inilaan sa ilalim ng DAP, isa lamang aniya rito ang kay Trillanes.
Ito’y upang ma-validate ng DOJ ang impormasyon at mabusisi ng husto ng National Bureau of Investigation o NBI.
Isa si Belgica sa pinakamatatag na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte habang si Trillanes ang isa sa pinakamatinding kritiko.
By Drew Nacino
SMW: RPE