Pinakakasuhan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Sandiganbayan si dating San Remigio, Cebu Mayor Jay Olivar.
Ito’y kaugnay sa mga unliquidated cash advances ni Olivar noong taong 2011 na ginamit sa iba’t ibang aktibidad sa panahon na siya’y alkalde pa ng lungsod.
Ayon kay Morales, nakakita sila ng probable cause para kasuhan si Olivar ng malversation of public funds dahil sa paglabag nito sa Article 218 ng Revised Penal Code.
Depensa naman ng dating alkalde, kaniya namang inutusan ang kaniyang mga tauhan na i-liquidate ang nasabing pondo ngunit hindi naman ito nagawa hanggang sa natapos na ang kaniyang termino.